Insecure na wannabe-senator

MALA-JAWORSKI pala ang ginagawang pagbabantay ng isang senatorial candidate sa mga kaibigan nitong opisyal sa local government para hindi makalapit ang kanyang karibal.
Kung ang mga survey kasi ang pagbabatayan, walang kasiguruhan ang panalo ng senatorial bet na ito kaya siguro ganun na lamang ang kanyang pagkaaligaga sa pagbabantay. Sino ba naman kasi ang gustong matalo, di ba?
Feeling tuloy ng mga miron ay insecure itong si senatorial aspirant dahil sa kabila ng kanyang mga nagawa ay mas mataas pa rin ang nakukuhang rating ng kanyang kakumpetensya base sa resulta ng mga survey.
Mukhang pinag-promise ng senatorial aspirant ang mga opisyal na kanyang kinausap na huwag i-accept ang kanyang karibal kung bibisita sa kanilang lugar.
Parang lover, me and me alone ang peg. Masyadong seloso.
Labing-dalawa naman ang ihahalal na senador sa Mayo 13 elections pero ang gusto ng senatorial aspirant na ito na siya lang sa kanilang dalawa ang makapasok.
Kapag tumatawag ang “best friend” na kandidato sa mga opisyal sa lokal na pamahalaan para makipag-appointment ay turned down ito.
Sinabihan kasi sila ng senatorial aspirant na huwag i-entertain ang kanyang best friend. Gusto niya siya lang ang suportahan nila. Parang telenovela ang dating, kung hindi ako mananalo, hindi rin dapat siya manalo.
Palagay tuloy ng mga observers, alam ng senatorial aspirant na siya ay matatalo kaya ganito ang kanyang ginagawa. Hindi siya confident.
Feeling niya siguro ay nawawalan siya ang boto kapag nangangampanya ang kanyang “best friend” na mas malakas ang karisma sa publiko. Kapag ikinumpara ang dami ng tao na nagpapa-picture ay kitang-kita mo kung sino ang dinudumog.
True naman na may nagawa itong si senatorial aspirant para sa bayan pero hindi naman niya ito magagawa kung walang tulong mula sa kanyang mga kasamahan. Feeling tuloy ng iba ay sinosolo niya ang credit.
May nagsasabi rin na hindi makatagal sa entablado si senatorial aspirant kapag naroon ang kanyang best friend kaya bumababa ito at kunwari ay may iba munang gagawin dahil hindi pa naman oras para siya ay magsalita.
Dahil nga masyadong nakatuon ang pansin ni senatorial aspirant sa kanyang karibal ay hindi na niya napapansin ang ibang kalaban sa laylayan ng listahan na gumagawa rin ng paraan para mauungusan siya.
Alam n’yo naman kapag halalan, kahit na ang mga magkakakampi ay naghuhudasan manalo lang. Hinihila pababa kahit ang mga kasama sa entablado para makuha ang inaasam-asam na puwesto.

Read more...