Lady lawyer versus lady journalist

UMUUSOK ang ilong sa galit ng isang mamamahayag dahil pakiramdam niya ay trinaydor siya ng dating kasamahan sa isang grupo na ambisyong magpabagsak ng pamahalaan.

Si lady journalist ay kilalang apologist at matinding tagahanga ng isang personalisad na ilang beses na ring nasangkot sa mga palpak na government takeover.

Sa loob ng grupo ay nakilala niya si lady lawyer na abogado naman ng ilang mga kasapi sa grupo na sinampahan dati ng sangkatutak na kaso dahil sa coup.

Mahusay si lady lawyer dahil nakalaya ang kanyang mga kliyente pero hindi bilib dito si lady journalist.

Doon nabuo ang hinala ni lady lawyer na malaki ang insecurities sa kanya ni lady journalist lalo’t na link pa sa kanya ang isa sa mga hunk na miyembro ng grupong ito ng coup plotters.

Fast forward tayo, si lady lawyer ay malapit ngayon sa administrasyong Duterte to the point na halos ay ipagtanggol niya ito sa iba’t ibang mga laban.

Kamakailan ay nakaharap niya sa isang TV show si lady journalist na kilalang kritiko ng administrasyon kung saan ay walang ibang laman ang kanyang column at blog kundi hatred sa kasalukuyang pamahalaan.

Sa nasabing TV show ay nilamon nang buhay ni lady lawyer si lady journalist dahil sa husay ng kanyang mga argumento sa ilang isyu.

Kamakailan ay naging laman ng mga balita si lady journalist dahil sa kanyang pagkakaugnay sa mga grupong nasa likod umano ng destabilization plot laban sa gobyerno.

At tulad ng inaasahan, si lady lawyer ang kanyang itinuturong dahilan kaya napasama ang kanyang pangalan sa nasabing listahan.

Ang lady journalist sa ating Wacky Leaks ngayong umaga ay si Miss T…as in Tuliro samantalang ang lady lawyer naman ay si Atty. A…as in Angelus.

Read more...