NANINIWALA ang maraming Filipino na dapat umalis ang China sa lugar na inuukupa nito sa West Philippine Sea, batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations.
Tinanong ang 1,440 respondents kung sang-ayon ang mga ito o hindi sa pahayag na: βAng paghabla sa ICC ni Albert Del Rosario at Conchita Carpio-Morales, dating opisyales ng PH government, laban kay Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, tungkol sa walang-karapatang paninira ng Tsina sa hanapbuhay ng mga mangingisdang Pilipino ay nagpapakita sa mundo na dapat umalis ang Tsina sa mga islang inokupa nya sa West Philippine Sea.β
Sumagot ang 49 porsyento ng pagsang-ayon (27 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 22 porsyentong medyo sumasang-ayon) at 17 porsyento ang hindi sumasang-ayon (7 porsyentong lubos na hindi sumasang-ayon at 10 porsyentong medyo hindi sumasang-ayon).
Ang 28 porsyento ay undecided at hindi sumagot ang anim na porsyento.
Ginawa ang survey mula Marso 28-31. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.6 porsyento.