‘Care bears na lang dapat si Kris sa mga bashers!’

BIMBY, KRIS AQUINO AT JOSHUA

Maraming Pinoy ang nakakakita kay Kris Aquino sa Japan kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby at ang kanilang mga yaya.

Pero limitado lang ang iniikutan ni Kris, kapag kumakain lang sila ng kanyang grupo sa labas, pero hindi siya nakikitang sumasama sa pamamasyal.

Pinatunayan ‘yun ng isang Pinoy na nagtatrabaho sa paboritong hotel ni Kris sa Japan maghapon lang pala siyang nakakulong sa kanyang suite, kapag sinisipag siyang lumabas ay kakain lang sila at pagkatapos ay balik-hotel na rin sila agad.

Talagang pahinga lang ang ipinupunta niya sa ibang bansa, ang kanyang mga anak lang ang nag-iikot kasama ang kanilang mga yaya, si Kris ay nasa hotel lang at tulog-pahinga ang inaatupag.

Tama lang naman ang ginagawa ng aktres-TV host, kailangan niyang bigyan ng prayoridad ang kanyang sarili, kaya sana’y huwag na siyang nakikipag-close sa kanyang mga social media accounts.

Tama na ang pagpatol sa mga bashers, kahit anong paliwanag ang gawin niya ay siguradong upak pa rin ang ibabalik sa kanya, sadyang maraming kababayan natin ang naipangako na sa kanilang mga sarili ang pagbira kay Kris.

Care bears na lang siya dapat, piliin na lang niya ang giyerang eentrahan niya, malaking kabawasan ang stress sa kundisyon ng kanyang kalusugan ngayon.

Read more...