PAANO kaya pasisinungalingan ng isang machong personalidad ang mga kuwentong umiikot tungkol sa kanyang kinukuwestiyong kasarian?
Macho siya, lalaking-lalaki ang dating, pero bakit kabaro rin niya ang kanyang hanap?
May mga nagsasabi na kung minsan, ang mga lalaking nagkukuwento na lalaki at hindi babae ang hanap ng machong male personality ay nagpapataas lang ng presyo sa kanilang linya, nagbabanggit sila ng mga kilalang pangalan ng mga artista para kunwari ay talagang in-demand sila.
Komento ng source, “Ugaling-ugali kasi ng mga pahada ang ganu’n. Kunwari, e, nakasama nila nang magdamag ang isang kilalang male personality, pampataas kasi ng presyo nila ang ganu’n.
“Kung kinuha nga naman ng sikat na artista ang serbisyo nila, e, bakit hindi rin sila kukunin ng mga ordinaryong becki? Malakas na invitation ang ganu’ng ginagawa ng mga pahadang mhin,” kuwento ng isang source.
Pero ang kinausap ng machong actor ay isang modelong nakasama niya sa pagrampa. Pagkatapos ng kanilang show ay tinanong ng macho personality kung saan pupunta ang guwapong modelo.
Kuwento ng aming source, “Hindi nagpapataas ng presyo ‘yung guwapong model, kaibigan ko siya, hindi gagawa lang ng kuwento ‘yun sa akin! Alam kong open siya sa ganyan, talagang trabaho niya ang ganu’n, ikinukuwento niya sa akin na kinausap siya talaga ni ____ (pangalan ng guwapo at machong personalidad).
“Ayaw nga niyang maniwala nu’ng una na questionable ang gender nu’ng guy, e! Akala niya, e, sinisiraan lang sa kanya ‘yung guy! Pero siya mismo ang nakapagpatunay na totoo nga ang tsismis!
“Kinausap kasi siya kung ano ang gagawin niya after ng show nila. Bakit agad ang tanong ng model sa kanya. Sukat ba namang sabihin sa kanya na sumama na lang daw siya sa condo, du’n na lang siya matulog!
“Nagtanong pa rin ang model, inurirat siya, ang sagot ng macho personality, ‘Basta, you stay na lang in my place and we will paint the town red!’
“’Yun na ‘yun! At naganap na nga ang inaasahan ng male model. Pinintahan nga nila ng pula ang buong gabi habang nagnonomo-nomo sila sa condo ng guy!
“Naku, ha? Nakakaloka siya, dumidirekta talaga siya, hindi na niya kailangan ng Boogie Wonderland sa kakyondian niya! Nakakaloka!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, Sabado de Glorya na, getlak na getlak n’yo na siguro kung sino ang machong male personality na ito. Glorya!