Kathryn nag-iiyak nang sorpresahin ni Daniel sa HK

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

Iyak nang iyak si Kathryn Bernardo nang dalawin siya ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla sa Hong Kong.

Sinorpresa ni DJ si Kath habang nagsu-shooting sa HK para sa movie nila ni Alden Richards. Gulat na gulat ang Kapamilya actress nang makita si Daniel kaya feel na feel ng KathNiel fans ang pagka-miss nila sa isa’t isa.

Of course, tuwang-tuwa ang fans nina Kathryn at Daniel nang mapanood ang viral video ng magdyowa na ipinost ng direktor na si Peewee Gonzales at ilang KathNiel fan sites. Makikita sa isang video ang mahigpit na pagyakap ng dalaga sa kanyang BF nang makita ito.

Sa isa namang Instagram post ni Daniel makikita ang video nila ni Kath sa recent trip nila sa Japan na may caption na, “Isang produkto ng pagmamahal.”

Read more...