Kris kinampihan ni Jim Paredes kontra Erice: Bless you and your family, hugs!

KRIS AQUINO AT JIM PAREDES

ISA ang veteran singer na si Jim Paredes sa mga celebrities na nakikisimpatya sa pinagdaraanan ngayon ni Kris Aquino.

Nag-post ang kontrobersyal na 67-year-old OPM singer, na isa ring kilalang supporter ng mga Aquino, sa kanyang social media account ng message of support para kay Kris.

“Bless you and your fam, Kris. Sending hugs,” ani Jim na pinusuan at ni-like naman ng kanyang followers. Ikinatuwa rin ng fans ni Kris ang gesture ng veteran singer na kamakailan lang ay nasangkot sa video scandal.
Kahit na raw kasi may sarili itong issue ay nagawa pa rin nitong alalahanin si Tetay na sunud-sunod ang challenges na hinaharap sa kanyang buhay ngayon.

Nag-ugat naman ang pagpapadala ng mensahe ni Jim kay Kris sa isang Instagram post ni Kris tungkol sa sinabi nito na nabuo uli ang kanyang pamilya, makalipas ang isang taong pagdededmahan nila ng kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino III.

Ito’y may koneksyon sa pagbwelta ni Kris sa dati nilang kaalyado sa Liberal Party na si Caloocan Second District Cong. Edgar Erice na sinisi si Noynoy Aquino sa pagbaba sa survey ni Mar Roxas.

Sey ni Kris, “You were a blessing in disguise cong. Erice. Because of you & your candidate, our FAMILY has moved so much closer to becoming WHOLE again…

“Hindi na kailangan maging divided between Team N and Team K, because more than any other family, alam namin how temporary power and political alliances can be, BUT the whole of Monday, my sisters & i communicated a TRUTH & a BOND shared by every other Filipino regardless of political affiliation:

HINDI MO TINATALIKURAN ANG KADUGO MO.

DAHIL SA UMPISA AT HULI, ANG HINDI MANGIIWAN SA YO- PAMILYA.

“Because nakita nila despite 1 year na hindi okay, nangibabaw na mahal ko si Noy at yun na nga, BAHALA NA SI BATMAN pero handang handa si bunso, na para sa kanya, sya na ang ituring na CATWOMAN.

“Dahil meron ngang FOREVER, and that is FAMILY,” pahayag pa ni Kris.

 

Read more...