Palasyo nagdeklara ng half day ngayong araw

HALF day na lamang ang mga kawani ng gobyeeno matapos isuspinde na ng Palasyo ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno simula alas-12 ng tanghali bilang pakikiisa sa paggunita ng Mahal Na Araw.

Ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Circular 60 kung saan nagdedeklara ng half day sa mga ahensiya ng gobyerno.

“To provide government employees full opportunity to properly observe  18-19 April 2019, regular holidays, and to allow them to travel to and from the different regions in the country, work in government offices on 17 April 2019 is hereby suspended from 12:00 o’clock in the afternoon onwards,” sabi ni Medialdea.

Idinagdag ni Medialdea na nasa desisyon naman ng pribadong kumpanya kung magsususpinde rin ng kani-kanilang pasok.

“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with other operations and render the necessary services,” ayon pa kay Medialdea. 

Read more...