Time tested na ang friendship nina Phillip Salvador at Enrico Roque who is now running again as mayor of Pandi, Bulacan.
“Kay Kuya Ipe kasi kahit sa pera ay nagse-share kami niyan,” Enrico mused.
Number one fan pala ni Kuya Ipe si Mayor Enrico. One time, umiyak itong isang kabigan dahil wala siyang pampiyansa nang idinemanda ni Cristina Decena. Lumapit ito sa common friend nila.
“Anak, ito na yata ang pagkakataon para matulungan mo ang idol mo. Wala siyang pampiyansa, P200,000 ang kailangan,” say ng common friend nila na si ‘Nay Cristy Fermin.
“Hindi niya agad sinabi sa akin na si Kuya Ipe iyon. Noong nagpunta ako doon, nagulat ako. Makakahindi ka ba naman? Hindi ko naman alam ang buhay. Kapag meron ka naman, talaga naming tutulong ka.
Basta kami ni Nanay, basta meron kaming avenue to help,” say ni Enrico.
That started their friendship na hindi kayang tibagin ng kahit na anong unos. Hindi na pumunta si Kuya Ipe sa proclamation of Enrico’s candidacy for mayor dahil ang taas na nito sa survey.
“Siguro okay lang din kasi busy naman siya kay Bong Go. Hindi naman siguro mag-e-end sa politics ang aming relasyon sa pagiging mag-kuya. Pagdating sa politics ay marami kaming hindi pinagkakasunduan niyan. Sa totoo lang, alam mo si Kuya may sarili siyang drive bilang mas matanda siya kaysa sa akin,” say ni Enrico.
“‘Yung brother ko ang nag-file ng candidacy noong October. Nag-substitute na lang ako noong November. Before ako nagpa-substitute, nagpa-survey ako. Hindi ako nagpa-file pero kasama ako sa list na pagpipilian. “Lumamang ako ng ten percent sa survery. Si Ricky ang nag-file, pero ang tanong ng tao, ‘ang kuya mo nasaan? Sabihin mo sa kuya mo mag-substitute siya.’ Nasaktan ako para sa kapatid ko.
“Sabi ko sa kanya (Ricky), ‘mag-file ka. Kung gusto ka ng tao susuportahan kita. Kung naramdaman mo na hindi mo kaya ang laban na ito, ako ang tatakbo. Two weeks pa lang bago magtapos ang October kinalabit na ako ng kapatid ko. Sabi sa akin ng kapatid ko, ‘Kuya, mag-substitue ka na.’ ‘Hindi, kaya mo ‘yan.
“Nag-text siya sa akin. ‘Alam ko magagalit ka sa desisyon ko. Pero sana maintindihan mo na magkaiba tayong tao. Ako ang lumalaban pero ikaw ang hinahanap ng tao,” mahabang kuwento ni Enrico kung paano siya nakumbinseng lumaban uli sa pagka-mayor ng Pandi.