Iyak nang iyak si Vice Ganda habang nagkukuwento tungkol sa kanyang lolong si Gonzalo Dacumos na number one fan niya mula noong magsimula siya sa showbiz.
Pumanaw si Lolo Gonzalo sa edad na 93 noong 2014 dahil sa renal and respiratory failure. Nai-share ni Vice sa Gandang Gabi Vice last Sunday ang tampuhan nila ng kanyang lolo.
“‘Yan ‘yung nalulungkot ako kasi, ang dami kong pagkukulang diyan. Ako ‘yung pinakapaborito niyang apo. Tapos pinagawa ko siya ng bahay sa Project 6, doon siya nakatira. Pinapanood niya ako lagi,” aniya.
“Tapos may isang pagkakataon na na-realize niya na wala nang panahon si Totoy sa akin. Parang, wala na akong relevance, hindi na ako napapansin ni Totoy. Lumayas siya, bumalik siya sa La Union,” kuwento pa ni Vice.
Habang lumuluha, sinabi ng komedyante na talagang personal niyang sinundo ang kanyang lolo pauwi ng
bahay.