JM sa panliligaw kay Ria: Magpapaalam muna po ako kina Tita Sylvia at Tito Art

By Bandera April 16,2019
share this

JM sa panliligaw kay Ria: Magpapaalam muna po ako kina Tita Sylvia at Tito Art

By Bandera April 16,2019
share this

JM DE GUZMAN AT RIA ATAYDE

MARIING dinenay ni JM de Guzman na pinaasa lang niya ang Kapamilya young actress na si Barbie Imperial.

Ayon kay JM, totoong nagkaroon sila ng mutual understanding ni Barbie noong ginagawa nila ang kanilang teleseryeng Araw-Gabi pero hindi raw ito tumagal ng isang buwan.

“Hindi naman po ako ganu’n (paasa). Saka di rin naman siya kaganu’n-ganu’n,” paliwanag ni JM sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

Hindi raw talaga sila naging official na magdyowa ni Barbie, “Pero I tried to pursue her. After nung show, I told her na baka puwede muna nating i-try, pero maging magkaibigan muna tapos tingnan natin kung puwede bang may mangyari or something.”

“Pero medyo yung pressure nu’ng trabaho. Sa kanya and sa akin, siya kaka-launch lang, ako kakabalik ko lang. So in short hindi nag-work,” chika pa ni JM.

Sa tanong kung gaano tumagal ang kanilang MU, “Wala pa yatang one month yun, e.”

Ngayon naman ay nali-link siya kay Ria Atayde, “Yung meron po kami ngayon (ni Ria), sobrang okay na friendship. As in yung alam mong puwede, posible. Kasi nali-lift niya ako. Nali-lift ko rin siya. Saka positibo and ang dami kong natututunan sa kanya. She’s very sweet.”

Balak ba niyang ligawan si Ria? “Kapag umabot na ako du’n, magpapaalam muna ako kay Tita Sylvia (Sanchez) and Tito Art (Atayde),” sey ni JM na ang tinutukoy ay ang mga magulang ni Ria.

Inamin ni JM na ang payo sa kanya ng counselor at psychiatrist niya ay huwag na munang mag-girlfriend.

“Sa na-experience ko, hindi nila ina-advise. Sabi nga nila three years daw e or two years bago ako puwedeng…hindi naman nila ako pinipigilan pero advice nila ‘relax muna, huwag mo muna isugod yung puso mo, kasi baka sumubsob ka na naman.’”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending