Palasyo sinabing mga residente ng Palawan magdedesisyon sa paghahati nito sa 3

SINABI ng Palasyo na dadaan pa sa plebisito ang Republic Act (RA) 11259 na naghahati-hati sa Palawan sa tatlong lalawigan.

Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat ipaubaya na sa mga residente ng Palawan ang desisyon kung papabor sa bagong batas.

“Even assuming na fattening but—iyan ay kung we will always believe na every creation would be fattening the bureaucracy. Pero every creation nga precisely is to respond to the needs, to the delivery of basic services, iyong problema ng tao doon sa mga lugar na iyon,” sabi ni Panelo.

Sa ilalim ng RA 11259, hahatiin ang Palawan sa Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.

Kasabay nito, kinontra ni Panelo ang pahayag ni Sen. Risa Hontiveros matapos magpahayag ng pangamba na magiging pabor sa China ang pagkakahati-hati ng Palawan.

“No connection eh. Kahit naman walang probinsiya kung gustong mag-infiltrate ng mga lokong iyan eh. Parang wala namang koneksyon naman iyon, ‘di ba?” giit ni Panelo.

Read more...