SC nagdeklara ng half day sa lahat ng korte sa Abril 17

INIHAYAG ng Korte Suprema na half day na lamang ang lahat ng korte sa bansa sa Abril 17 (Miyerkules) para sa paggunita ng Mahal Na Araw.

Ito’y para mabigyan ng mas maraming oras ang mga kawani para makapaghanda sa mahabang bakasyon.

Samantala, sakaling magdeklara ng suspensyon ang mga lokal na pamahalaan sa Abrl 17, magiging buong araw na suspindido ang pasok ng mga korte na nasa loob ng mga gusali ng lokal na pamahalaan.

“If there is none, work will be half day,” sabi ng advisor ng Korte Suprema na inilabas ng Public Information Office.

Read more...