NIYANIG ng magnitude 5.2 lindol ang Cagayan kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:32 ng umaga. Ang epicenter nito ay 63 kilometro sa kanluran ng Calayan.
May lalim itong 25 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagbabala ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.
Naramdaman ang Intensity III sa Pasuquin at Laoag City sa Ilocos Norte; at Claveria, Cagayan.
Intensity II naman sa Sinait, Ilocos Sur at Intensity I naman sa Gonzaga, Cagayan.
MOST READ
LATEST STORIES