P100M jackpot ng Super Lotto bukas

INAASAHANG  lalagpas na ng P100 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola nito sa Martes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 07- 22-25-11-06-42. Nagkakahalaga ng P97.5 milyon ang jackpot prize sa bola noong Linggo.

Nanalo naman ng tig-P28,210 ang 35 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P430 naman ang 1,818 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P24 taya ng 26,933 mananaya na nakatatlong numero.

Noong Enero 31 pa walang tumatama sa jackpot prize ng Super Lotto.

Ngayong taon ay tatlong beses ng tinatamaan ang jackpot prize nito. Noong Enero 20 na nagkakahalaga ng P25.2 milyon. Sumunod noong Enero 27 at 29 na nagkakahalaga ng tig-P15.840 milyon.

Read more...