Clint Bondad itinanggi ang viral kissing video: I don’t have any scandal


MALAKING impluwensya si Jennylyn Mercado sa paglipat sa GMA 7 ng ex-boyfriend ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na si Clint Bondad.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Clint na siya ang lalaking nasa viral video na may kahalikang babae sa tila isang bar.

“Luckily, I don’t have any scandal. Ah, I was teasing. Ha-hahaha! It’s life, you know. Masaya naman ako palagi, e,” pahayag ng ex ni Catriona.

Aware ba siya about the alleged kissing video? “Hindi ako yun, e. Hindi ako nag-iinom, e.”

Nakausap ng BANDERA ang model-actor kasama ang iba pang entertainment reporter after ng mediacon ng Love You Two, ang latest series ni Jennylyn sa GMA na mapapanood na sa Telebabad simula April 22.

During the presscon, nagpasalamat si Clint kay Jennylyn at sinabing isa nga ang Kapuso actress sa mga dahilan kung bakit tinanggap niya ang offer ng GMA.

Ani Clint, dahil sa magandang feedback sa tambalan nila ni Jen sa isang episode ng Dear Uge ay napagdesisyunan niyang ituluy-tuloy na ang kanyang career sa Kapuso Network.

“Yung experience ko diyan sa Dear Uge, inisip ko, ‘Hey maganda naman GMA dito, pwedeng-pwede pala,” aniya.

“Siya (Jen) yung isa sa mga reasons. Kasi actually, naka-focus ako sa business ko ngayon pero dahil nga si Jennylyn yung makaka-work ko sa Love You Two naisip ko bakit hindi ko i-try, so there,” sabi pa ni Clint.

Kung matatandaan naging bahagi si Clint ng grupong Coverboys na napapanood sa ASAP noon ng ABS-CBN.

Ang kuwento ng Love You Two ay iikot kay Raffy (Jennylyn) na may magandang career at happy relationship. Ang kaso, bigla na lang siyang hihiwalayan ng kanyang longtime boyfriend na si Theo (Clint).

Meanwhile, makikilala naman ng kapatid ni Raffy na si Sam (Shaira Diaz) si Jake (Gabby Concepcion), isang hotel owner na medyo may edad na pero yummy pa rin. Mai-in love ang kapatid niya kay Jake pero magkakagusto naman ito sa kanya.

Makakasama rin sa serye sina Solenn Heussaff, Jerald Napoles, Kiray Celis, Sheena Halili, Joshua Zamora, Nar Cabico at marami pang iba, sa direksyon ni Irene Villamor.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Clint na siya ang lalaking nasa viral video na may kahalikang babae sa tila isang bar.

“Luckily, I don’t have any scandal. Ah, I was teasing. Ha-hahaha! It’s life, you know. Masaya naman ako palagi, e,” pahayag ng ex ni Catriona.

Aware ba siya about the alleged kissing video? “Hindi ako yun, e. Hindi ako nag-iinom, e.”

Read more...