Yassi sexy, maganda, talentado…higit sa lahat totoong tao


GUSTUNG-GUSTO namin si Yassi Pressman. Regular namin siyang nasusubaybayan sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Alyana na misis sa serye ni Ricardo Dalisay.

Maganda. Matapang. Buung-buo ang loob. Mabuting anak at asawa. Nasa kanya na ang lahat ng mga katangian.

Magaling siyang umarte, sinsero, mahal na mahal din siya ng mga camera. Akala nami’y tapos na ‘yun, pero meron pa pala, kapag sumisilip kami sa ASAP Natin ‘To ay bigay na bigay sa kanyang pagsayaw si Yassi.

Palagi niyang kakabugan sa pagsasayaw si Maja Salvador, ang mga artistang kung ilarawan ni prop ay mga babaeng walang buto, dahil sa husay nilang umindak at kumendeng-kendeng.

Pero marami kaming kaibigan sa Ang Probinsyano na kumukumpleto sa pagkagusto namin sa magandang dalaga. Marunong makisama si Yassi, walang kaere-ere, maganda na siya ay maganda pa rin ang kanyang puso.

‘Yun na ‘yun, wala nang hahanapin pa ang kahit sino kay Yassi Pressman, kumpletos rekados na ang kanyang mga katangian.

Read more...