Boy sa pagbabalik-showbiz ni John Lloyd: Palagay ko hindi


PARA sa King of talk na si Kuya Boy Abunda, mukhang hindi pa handang bumalik si John Lloyd Cruz sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Sa isang episode ng Tonight With Boy Abunda, diretsahang sinagot ng award-winning TV host ang tanong ng isang netizen tungkol sa supposed showbiz comeback ni John Lloyd.

Umingay kasi ang balita na babalik na raw sa showbiz ang Kapamilya actor.

Tanong ng netizen kay Kuya Boy, “Tingin niyo po ba for good na ito?” Ito naman ang tugon ng TWBA host, “Akin lang po ito but since you’re asking me, I’ll give you a straight answer. Palagay ko hindi. Pero John Lloyd will always have a space in this industry because of his massive talent.”

Read more...