Kim Domingo binayaran ng P200 bilang extra; Tekla P300/night sa comedy bar

ALAM n’yo ba na bago nakilala bilang isa sa mga Kapuso bombshell si Kim Domino ay naging extra muna siya sa teleserye at pelikula?

Ito ang ikinuwento ni Kim sa isang panayam kung saan inamin niya na binayaran siya ng P200 sa isang project kung saan siya nga-extra.

Imagine, P200 lang ang ibinayad sa kanya kahit na 24 oras tumagal ang kanilang taping kaya naman hinding-hindi raw ito makakalimutan ng Kapuso sexy star.

“Actually, nangyari talaga ‘yon n’ung time nag-e-extra pa ko sa mga shows, sa mga teleserye before. Nag-start ako high school ako pero naging part lang ako ng crowd, mga 16 o 15 ako nu’n, pinagdaanan ko s’ya.

“At saka kaya naging 200 kasi kinakaltasan pa ko ng agent ko,” kuwento pa ng dalaga.

Kahit ang leading man ni Kim sa pelikulang “Kiko En Lala” na si Super Tekla (with Derrick Monasterio) ay nagsimula rin sa ibaba bago pa niya marating ang kanyang level ngayon sa mundo ng showbiz.

Bago makilala sa mundo ng telebisyon, nagtrabaho muna sa mga comedy bar si Tekla, “‘Yung sahod ko talaga is only P300 a night, so mag-start kami ng 9 o’clock ng gabi then hanggang 3 o’clock ng madaling araw, so bumabawi lang kami sa tip ng customers.”

Read more...