‘Kahit si Brad Pitt pa ang itambal kay Jessy waley pa rin!’

PINALAGAN ni Jessy Mendiola ang headline sa isang online portal which read: “Stranded nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde, naiwan sa takilya.”

Jessy posted the said headline sa kanyang Instagram account at nilagyan niya ito ng kanyang statement which read: “Grabe naman kayo PEP. Malaki ba ang galit niyo sakin? Ako lang ba ang nagproduce at nagpromote? Sige bashers. Labas. Grabe ang nega niyo.  Sorry guys. Pa-isa lang.”

Mix ang reaction ng netizens sa post na ‘yun ni Jessy. May nam-bash pero meron ding nagtanggol sa kanya.

“Pwedeng magclick pa ito if iba ang leading lady ni Arjo. Before this, sobrang ganda ng feedback sa Bagman ng iWant series ni Arjo. Nagkataon na super nega ni Jessy.”

“Grabe naman yan. Kung ang tao bumagsak hindi na dapat tinatadyakan pa bagkus bigyan ng lakas. Di man kita kilala, Jessy tandaan mo ito darating ang araw mababaliktad ang lahat. Mapapatunayan mo din ang sarili mo, tiwala lang.”

“Totoo naman semplang dahil sa kanya. For example yung sa kanila ni Jericho Rosales, we really like to watch it cos of Echo and kakaiba yung story (at least sa local films) pero ayaw ng friends ko cos of Jessy. So we end up watching Aurora that time. So kahit pa siguro si Brad Pitt ipartner sa kanya lalangawin talaga.”

“Naaawa ako sa mga artista. Ang harsh na nga ng audience, pati ba naman media. They worked hard sa lahat ng ginagawa nila. Can we all appreciate it and set aside our judgemental opinions? In general to ha. I am not a fan of her pero I pity her. I think hindi niya deserve yung pangbabash sa kanya.”

Read more...