Salamat, Aksyon Line | Bandera

Salamat, Aksyon Line

Liza Soriano - April 13, 2019 - 12:30 AM

A BLESSED day to you mam. First of all sorry late ang paghingi ko ng pasalamat sa yo at sa lahat ng bumubuo ng Bandera at Inquirer sa madali nyong pagtulong sa akin noong December of 2017
regarding sa problema ko sa fusion ng Pag-Ibig contributions ko.
Kung hindi dahil sa inyo baka aabutin ng ilang taon ang claim ko.

Once again, mara-ming-maraming salamat at mabuhay po kayo.
Ngayon po lumalapit na naman ako sa inyo ito regarding sa querries ko sa SSS thru online tungkol sa loan ko last 2015 pa.
Nag-inquire po ako kung may balance pa ba ako kasi balak kong mag-loan muli. Sabi ng present employer ko,
hindi raw ako nakaltasan sa loan ko yung contrbution ko lang daw ang
kinakaltas ng company kaya nag inquire ako sa SSS thru email,
pero sad to say ilang email na ang nai-send ko sa kanilang
official email address but no response yet. Sana matulungan n’yo po ako. Thank you. God bless and more power.
Mr. Domingo Monte

REPLY: Magandang araw po. Nabasa po namin yung letter ni Mr. Domingo Monte.
Kung maaari lang po ay paki-indicate sana ni Mr. Monte ang kanyang SSS number at iba pang information para ma-verify ang kanyang account.
Nasa 11 po ang nakalistang Domingo Monte sa database ng SSS.

Pwede kaya kaming ma- inform ng SSS number niya para maayos namin itong maverify at masagot. Thanks!
May Rose DL
Francisco
Acting Department Manager
SSS Media Affairs Department
9247295/9206401 loc 5053

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending