Resbakan, kampihan, ahasan sa huling 2 linggo ng ‘Halik’

SAM MILBY, YAM CONCEPCION, YEN SANTOS AT JERICHO ROSALES

In-announce ni Jericho Rosales sa presscon ng Halik na titigil na siya sa paggawa ng serye, pero hindi siya magku-quit bilang artista.

“Why do I always feel like I want to rush into the next project? I’ve been working on soap operas or TV shows for 23 years now, and I don’t want to do soaps anymore. Is that a problem for me? No. Do I want to stop TV? No. It’s a time for me to challenge myself, to create something new for myself. Hopefully, it works.

“I will graduate already from soap operas. But a different kind of TV show? Why not. There’s digital. We don’t know where things are going. It’s a season of each and every actor can create, can direct, can produce, can write. One of the very few that actually offered me that was Direk Ruel Bayani (RSB Drama head and Halik director),” pahayag pa ni Echo.

Dugtong pa niya, “Kakanta muna ako ulit, surfing muna ulit, motor muna ulit and then pagbalik ko by the end of the year, I have something new for sure.”

Samantala, mas matindi at mas palaban ang magiging tapatan nina Lino (Jericho), Jade (Yam Concepcion), Jacky (Yen Santos), at Ace (Sam Milby) ngayong pagdaraanan nila ang pinakamatitinik na hamon na pilit maglalayo sa kanila sa pagmamahal at karapatang kanilang inaasam sa huling dalawang linggo ng Halik.

Patuloy na panggigigilan ng viewers ang mga kaganapan tuwing gabi dahil sa kasamaan nina Ace at Jade, na gagawin ang lahat para makatakas mula sa batas at mailayo si baby CJ kay Lino.
Ang pagmamahal naman sa anak ang gagamiting sandata ni Lino para mabawi si baby CJ, at makakatulong niya rito si Jacky, na patuloy ding ibibigay ang suporta niya hanggang sa huli.
Tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng Halik sa ABS-CBN.

Read more...