Jericho ayaw pang magkaanak: It’s not a good idea, kawawa lang ‘yung baby…

JERICHO ROSALES AT KIM JONES

MEDYO “complicated” pala ang set-up ng married life nina Jericho Rosales at Kim Jones. Almost five years na silang mag-asawa pero until now ay wala pa rin silang anak.

Inamin ni Echo na may mga pagkakataon na talagang “hiwalay” sila ng kanyang misis dahil may kanya-kanya silang trabaho. Pero nagpapasalamat siya kay Kim dahil napaka-supportive wife nito sa kanya.

“I am so blessed to have a beautiful wife who actually has the same passion. We talked about it already.

She’s going to study, I am going to study. She’s building a company. I am rebuilding myself.

“Her job is abroad. We’ve had this set up for a very long time now na if she wants to study or I want to study for three to five months and magkita kami somewhere, we are fine with that,” paliwanag ni Echo sa farewell-thanksgiving presscon ng top-rating primetime series niyang Halik na malapit na ngang matapos.

Paliwanag pa ng Kapamilya actor, ito raw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa silang baby ni Kim.

“We feel that sa buhay namin, parang ang daming umagaw nung mga gusto naming gawin sa buhay.

Bringing a baby into this world is not a good idea kasi kawawa ‘yung baby. Papatayin namin ‘yung mga pangarap namin dahil gusto namin mag-baby? Wala namang nagpre-pressure sa amin magka-baby.

Kultura lang at tradisyon,” paliwanag ni Echo.

“May anak ako na mahal na mahal din ni Kim. Kaming apat, nagmamahalan kami. It’s a wonderful family. I have the best set up right now,” dagdag pa niya. Pero sey ni Jericho, gusto rin nilang magkaanak ni Kim, sa tamang panahon.

“We are so open. Who knows, ‘di ba? All I know is I am not ready. I don’t want to be an absentee dad. We are both not ready but we are happy. It’s just that having a baby nowadays, there’s seven billion more people in the planet. I am just saying that bago tayo maglagay ng isa pang buhay ulit, let’s make sure that ang attention natin is there,” chika pa niya sa panayam ng entertainment media.

 

Read more...