Jericho naniniwalang hindi tatalikuran ni John Lloyd ang Showbiz: Babalik ‘yun!

NA-EXCITE rin si Jericho Rosales sa napabalitang pagbabalik sa showbiz ng kaibigan niyang si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Echo, naniniwala siya na hindi tuluyang tatalikuran ni Lloydie ang mundong mahal na mahal nila.

“Alam ko naman yun, e. Hindi naman puwedeng masayang yung talent na yun, e, di ba? So, babalik yun,” ang pahayag ng aktor nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa farewell-thanksgiving presscon ng teleseryeng Halik.

Dito, ibinalita rin niya na may isa pang Kapamilya actor ang babalik sa limelight, “Si Diet nga babalik, e,” na ang tinutukoy ay ang isa pa niyang kaibigan na si Diether Ocampo.

“So, baka it’s the year of comeback. We’ll see,” dagdag pa ng lead star ng Halik na dalawang linggo na lang mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida.

Kung matatandaan, isang taon ding nawala noon si Jericho (2006 to 2007) para magpahinga sa pag-arte.

“And from there, I learned my lesson. Siyempre, you just can’t, I’m not saying hindi mo puwedeng gawin yun sometimes. You have to turn your back on something to realize na ito rin yung mahal mo,” paliwanag niya.

Sa final presscon din ng Halik inanunsiyo ng aktor na magre-retire na siya sa paggawa ng teleserye tulad ng naging desisyon ni Piolo Pascual.

“That was unplanned and I think ‘yun na ang nasa puso ko. Mahirap siya i-explain. Baka ang gusto ko lang sabihin, ‘yung ganitong klase ng istorya hindi ko na gagawin. Gusto kong i-challenge ang sarili ko na maghain ng something new para sa mga nanonood sa akin,” paliwanag ni Echo.

“Napapansin ko lang na nagkakaroon ng pattern sa career ko and I just want to eliminate that. With the availability of iWant, mga pelikula, Netflix and all, feeling ko ang dami kong puwedeng gawin,” dagdag pa niya.

Hindi naman daw siya titigil sa pag-arte, “Pinag-uusapan pa lang natin kung ano ang puwede nating gawing bago, na talagang bago. Pero not to stop acting. I will never stop acting. Maybe I will get into producing, writing, directing. This time, it is my responsibility to repackage myself and do something new again.”

Kaya naman sa lahat ng fans ni Echo, namnamin n’yo na ang huling dalawang linggo ng Halik dahil iyan na ang last series ng aktor. At maswerte sina Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion dahil sila ang nakasama ni Jericho sa last teleserye nito.

Read more...