HELLO po ateng and tropa.
Magandang araw po sa inyo,tawagin nalang po ninyo ako sa pangalang Sha-sha, taga Quezon po ako.
Ako po ay isang college student at 18 yrs.old. Mayroon po akong matalik na kaibigan.
Hindi ko alam kung bakit siya nagseselos at minsan nag aaway kami.
Mula high school Ay magkaibigan na kami.
Nangyayari lang ang mga away namin kapag kaming lahat na magkakabarkada ay magba-bonding kahit saan.
Hindi ko po alam kung bakit siya nagseselos kapag kasama namin ang buong barkada.
Itatanong ko lang po,marapat bang panatilihing ko siyang matalik na kaibigan?
-Sha-sha
Magandang araw din sa ‘yo, Sha-sha ng Quezon!
To your question, kung dapat mo bang panatilihing matalik na kaibigan ang iyong friend since HS – napag-usapan n’yo na ba ang issue na ito at naitanong mo na ba sa kanya kung bakit ganoon ang reaksyon n’ya kapag magkakasama kayong magkakaibigan?
Nasabi mo ba sa kanya ang obserbasyong ito? Inamin ba n’ya sa ‘yo na nagseselos nga s’ya?
Mahirap kasi ang mag-assume ng walang confirmation. Siguro ay lambingin mo si bestfriend at pasimpleng itanong ito sa kanya.
Kung ang sagot n’ya ay positive, maaari sigurong pakinggan mo kung bakit n’ya iyon issue.
May mga tao kaseng likas na selosa or seloso talaga. Ito ay maaaring senyales na talagang mahalaga ka sa kanya o maaari rin namang insecurity.
Baka naman pwede pa ninyong pag-usapan at ayusin, ‘di ba? Sayang naman dahil ang pagkakaibigan ay mahalagang ingreadient sa isang masayang life. Maybe you have to find out first before you let him or her go. So I say, give this one a chance Sha-sha.