Parak pinatay sa bahay

NASAWI ang pulis nang barilin ng di pa kilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Catbalogan City, Samar,  Huwebes ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima bilang si SSgt. Kirk Walter Lorenzo, police-community relations officer ng lokal na istasyon ng pulisya, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police.

Naganap ang insidente sa loob ng bahay ni Lorenzo sa Brgy. Muñoz, alas-3.

Sinundan umano ng gunman si Lorenzo mula sa pagtitipon ng mga alumni sa Samar State University.

Binaril ng gunman si Lorenzo habang ito ay nagpapahinga sa sofa.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin. — John Roson

Read more...