No water sa Holy Week

MALAKING bahagi ng Metro Manila at Cavite ang mawawalan ng tubig sa Semana Santa, ayon sa abiso ng Maynilad Water Services Inc.

Ayon sa kumpanya, ang water service interruption ay bahagi ng maintenance work, pipe decommissioning, pipe interconnections, pagpapalit ng valves, at iba pang pagkukumpuni.

Ang pagkukumpuni ay magaganap mula Abril 16, Martes Santo, hanggang April 20, Sabado de Gloria.
Ang mga lugar na maaapektuhan ng kawalan ng suplay ng tubig ay Manila, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Parañaque, Las Piñas, at Bacoor, Cavite.
Nagpaalala naman ang Maynilad sa mga residente na mag-ipon ng tubig tatlong araw bago ang nasabing interruption upang maiwasan ang sabay-sabay na pag-iipon na nagdudulot ng heavy withdrawals mula sa kanilang mga pasilidad.
Maaari umano itong magdulot ng mahinang pressure sa ibang lugar na magreresulta sa pagkawala ng tubig nang mas maaga kesa sa nakatakdang oras.
Dagdag pa ng Maynilad, hindi umano kailangang mangamba ng mga mamamayan dahil mayroong nakareserbang 40 water tankers na makakapagbigay ng tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan. —Liza Soriano, Radyo Inquirer

Read more...