ABS-CBN nagpa-workshop sa Pinoy Media Congress; Kapamilya journalists nakilahok

Jeff Canoy kasama ang mga nakilahok sa DocuCentral workshop ng PMC 2019; Jerry Gracio nagturo sa mga delegado kung paano sumulat ng script para sa teleserye

 

INSPIRADO ang mga estudyanteng delegado ng Pinoy Media Congress Year 13 (PMC 13) ng ABS-CBN matapos makilala ang mga premyadong mamamahayag ng Kapamilya network na sina Jeff Canoy, Chiara Zambrano, Zhander Cayabyab at Ricky Rosales at matuto mula sa kanila sa mga ginanap na workshop sa loob mismo ng kumpanya.

Pagkatapos ng mga diskusyon sa mga isyu sa media sa unang dalawang araw ng PMC 13, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bata na makita talaga ang ginagawa sa loob ng industriya, tulad ng pangangalap at paghahatid ng balita sa radyo at pag-gawa ng dokumentaryo mula sa mga respetadong media practitioner ng ABS-CBN.

Sa DocuCentral workshop kasama si Jeff at Chiara, nalaman nila ang mga kwento sa likod ng giyera sa Marawi at ng pagbuo ng dokyung “Di Ka Pasisiil” kay Jeff at Chiara, na nagbigay rin ng tips kung paano gumawa ng epektibong dokumentaryo.

Sa DZMM workshops naman nila natutunan kung paano mangalap at magsulat ng balita sa Radyo Patrol reporter na si Zhander, habang ipinakita naman ni Ricky ang tamang pagbabasa at paglalahad ng balita sa radyo.

Pinili namang pasukan ng ibang estudyante ang Basic Writing for TV workshop kasama ang The Greatest Love head writer na si Jerry Gracio, na ipinaliwanag ang pagkakaiba ng pagsusulat sa radyo, TV, at pelikula at ipinakita kung paano nila sinusulat ang mga patok na teleserye ng ABS.

Hindi naman nagpahuli ang mga lumahok sa Adober Studios workshop, na natuto kung paano mas mapansin at makilala sa paggawa ng video sa YouTube.

Read more...