Mikee: Wala na akong pera, hindi na ako binibigyan ni Daddy
MALAKAS pa rin ang hatak sa publiko ng nagtapos na Kapuso series na Onanay na pinagbidahan ni Jo Berry.
Ngayong wala pang follow-up series sa GMA, sumasama muna si Mikee Quintos sa kampanya ng amang si Wardee Quintos na re-electionist bilang councilor sa 4th District ng Maynila, ang Sampaloc.
Kapag rally o parade kung saan present si Mikee, ang isinisigaw talaga ng mga tao ay Onanay, huh!
Kapag may little people siyang nadadaanan, isinisigaw naman ng mga ito na sila raw ang nanay ni Mikee na gumanap bilang si Maila sa nasabing Kapuso serye.
Bakasyon din kasi si Mikee sa pag-aaral ng architecture sa UST. Kapag natatanong nga siya sa pagiging supportive niya sa ama, pabiro niyang tugon, “Wala na nga akong pera. Hindi ako binibigyan ng pera ni Daddy! Ha! Ha! Ha!”
Pero sa totoo lang, isang malaking project ang nakalaan sa darating na buwan kay Mikee. At ngayong Sabado sa Magpakailanman, magpapaiyak naman siya sa episode na “Nang Ako’y Iwan Mo” kasama sina Rita Avila at Yasser Mata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.