FIESTA ang mga OFWs sa Hong Kong ngayon dahil naging saksi sila sa first shooting day doon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Behave naman ang mga kababayan nating naroon habang kinukunan ang mga eksena nina Kathryn at Alden. Bago pa kasi simulan ang paggiling ng mga camera ay nakiusap na si direk Cathy Garcia-Molina sa mga tao na quiet lang sana sila.
Isinabay din sa first shooting day nila ang paglabas ng title ng pelikula, ang “Hello, Love, Goodbye.”
Siyempre hinahanap ng mga kababayan natin sa HK kay Alden si Maine Mendoza habang si Daniel Padilla naman ang tinatanong kay Kathryn. Smile lang naman ang dalawa sa mga tanong ng mga OFW na matagal nang nagtatrabaho roon, huh!
After all, ayon kay direk Cathy, ang kuwento ng movie ang ibinebenta nila sa movie at hindi ang loveteam nina Kath at Alden, huh!
Nakakapanibago lang siyempre sa simula pero sa totoo lang, refreshing ang tandem nina Alden at Kathryn, idagdag pa ang kakaiba at nakakakilig na kuwento ng pelikula. At siyempre, kilala naman natin kung paano bumuo ng isang obra ang box-office director na si Cathy Molina.