Sosyalerang female celebrity balasubas gumamit ng CR


WINDANG na windang ang isang grupo ng mga tagapaglinis ng mga dressing room ng isang network tungkol sa kakaibang ugali ng isang kilalang-kilalang female personality.

Sa biglang tingin ay napakalinis niya sa katawan, parang nakakahiya ngang lumapit sa kanya dahil para siyang palaging bagong ligo, pero may kakaiba pala siyang nakasanayan sa buhay.

Kuwento ng aming source, “Di ba, parang nakakahiya siyang lapitan kung hindi ka rin lang bagong paligo?

Baka kasi layuan ka niya, kasi, para siyang hindi dumudumi kahit kailan.

“Palagi siyang neat tingnan, malinis siya sa katawan, kaya maraming parang nahihiyang kumausap at lumapit sa kanya. Baka kasi may maamoy siya, e, napakadiretso pa naman niyang magsalita?

“Kaso, tuwing nililinis ang dressing room kung saan siya nagpahinga habang nagtatrabaho siya, e, napansin ng mga cleaners na kalat-kalat ang mga tissue paper sa CR.

“Siya lang naman ang gumagamit nu’n, ibang CR ang ginagamit ng mga alalay niya, kaya sino pa ba ang pagbubuntunan ng bintang ng mga naglilinis na gumagawa ng ganu’n?

“May basurahan naman, napakalaki pa nga, pero bakit kalat-kalat ang mga tissue paper sa CR? Pati ang mga ginagamit niyang panglinis ng tenga, nakakalat lang sa CR pagkatapos niyang gamitin!

“Natatamad kaya siyang magtapon sa basurahan? Nadudumihan kaya siya sa tissue paper pagkatapos niyang gamitin? Nandidiri kaya siya? Kailangan ba siyang sundan palagi ng mga alalay niya para hindi siya nagkakalat ng mga pinaggamitan niya?” tanong-opinyon ng aming impormante.

Walang may gustong maniwala sa kuwentong ‘yun tungkol sa sikat na female personality, pero ano naman ang mapapala ng mga cleaners kung mag-iimbento lang sila, may premyo ba sa mga nagsisinungaling?

“Malayo lang kasi sa image niya ang natuklasan nu’ng mga naglilinis ng ginamit niyang dressing room. Para kasing super-linis siya sa biglang tingin, pero may mga kalokahan din pala siya pagdating sa hygiene.

“Pintasera pa naman ang babaeng personalidad na ‘yun, lahat na lang, e, napapansin niya, pero meron din palang pang-blind item tungkol sa kanya?” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sino ang napakasosi pa namang female personality na ito?

Read more...