Jessy walang chance na makuha ang bato ni Darna: Bagay kay Pia


WALANG chance na makuha ni Jessy Mendiola ang role na Darna matapos umatras si Liza Soberano sa bagong movie version nito.

Isa ang girlfriend ni Luis Manzano sa mga female celebrities na sinasabing pwedeng pumalit kay Liza bilang Darna. Balitang nagpapa-audition na ngayon ang Star Cinema para bumida sa nasabing pelikula.

Isang graphic artist na nagpakilalang si Chovelasarts ang nag-drawing kay Jessy suot ang sexy costume ng iconic komiks character.

Nang mai-post ito sa Instagram at makita ni Jessy nagpasalamat siya sa gumawa ng artwork. Aniya, “Ang galing mo, promise.”

Sa isang panayam, natanong ang dalaga kung may chance ba na makuha niya ang kontrobersyal na proyekto. “Zero!” diretsong sagot ng aktres.

Natatawa pa niyang komento, “May Darna bang blonde?” Nagpakulay kasi ngayon ng buhok si Jessy kaya mas lalo siyang pumuti at nagmukhang foreigner.

Naniniwala ang dalaga na dapat daw ay morena beauty ang gaganap na Darna.

“I personally think dapat morena ‘yung Darna kasi nakakalimutan na siya ng Generation Z. May ibang bata na kapag tinatanong if kilala nila si Darna, sino daw si Darna.

“Feeling ko dapat if Pinay superheroine, dapat talaga morena this time,” aniya pa.

Para kay Jessy, pwedeng-pwedeng mag-Darna si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nang itanong naman sa beauty queen-actress-TV host kung willing siyang lumunok ng bato ni Darna, ito ang sagot ni Pia, “I’m very flattered they think I could play the role of Darna. That’s an iconic role and a really sought after role. The role of a lifetime.

“Kung papalarin na ibibigay sa akin ‘yung role na Darna, tatanggapin ko. I will work hard, I will train, I will attend workshops. Ibibigay ko lahat ng lakas ko. But, of course, it’s ABS-CBN’s decision in the end to see who is the perfect fit to play the role,” aniya pa.

Ready ba siyang mag-audition for the role kahit na third choice na lang siya? “Oh Yeah, of course! If I find out that they’re open to have me audition, then I’m going to try. Why not?”

Read more...