Bilang ng taga-showbiz na nasa PDEA drug list umabot na sa 100


ORIGINALLY, there were only two. Then it rose to 31. Now it has ballooned to more than a hundred.

Ang tinutukoy namin ay ang pataas nang pataas na bilang ng mga umano’y celebrity drug users and pushers alike ayon sa listahang hawak ng PDEA.

Hati ang showbiz sa panawagang isapubliko ang naturang drug list, na kung tutuusi’y is like a story told many times over.

Noon pa namin narinig ang tungkol sa listahang ’yan, and the longer it takes bago ibunyag ang mga pangalan ng celebrities doon, expect the number to escalate.

Imagine, noong isang araw ay dalawa lang. Ngayon, mahigit isandaan na. OA naman kung mag-multiply ang listahang ‘yon – rabbit lang ang peg!

Anyway, noong isang madaling araw ay may natisod kaming link sa Facebook that led us to a YouTube feature na may heading na 60+ celebrities positively identified as drug users.

Mukhang convincing ang pasilip na ‘yon dahil may collage pa ng mga blurred pictures ng mga personalidad yet madali namang makilala.

Curious, binuksan namin ang feature na ‘yon only to come across 60+ ngang mga celebrities pero hindi mga adik kundi mga identified sa administrasyon ni Pangulong Digong.

May countdown pa nga kung saan ang Top 1 ay walang iba kundi si Mocha Uson na noong unang ipinakita ay mga mata lang nito ang nasa litrato.

This came less than a week after pinagtatanggal ng FB ang mga fake pages at fake accounts ng at least two of the candidates aligned with the administration.

Balewala lang pala kung ganu’n ang FB sanction since the purveyors of false reports can resort to YouTube, ganu’n nga ba?

Bukod sa misleading ay “panloloko” ang pinaiiral nilang practice. Isn’t this something that should be addressed, too?

q q q

Hindi na kami binalikan ng kaibigang Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano, who promised to grant us an interview sa status ng “Darna” project ng alaga.

“Teh, may meeting kami bukas (April 4),” wari’y pagtupad naman sa kanyang pangako.

It was only on the day na nalaman naming nag-back out na si Liza sa “Darna” citing her finger bone fracture which, according to her doctor, could hamper her pursuit of the film which is physically challenging.

Naiulat din ni MJ Felipe ang tungkol du’n na ikinalungkot ni Liza who had yet to start filming pero nagte-training na siya.

Two years ago noong nagbitiw si Erik Matti bilang director nito due to artistic differences.

Pero matagal nang nasa planning stage ang dream project na ito ng Ilonggo director.

Taking his place is Jerrold Tarog, and just when everyone thought (and hoped) that everything was headed to a good start anew ay saka naman nag-back out si Liza.

For now, wala kaming naiisip na kapalit ni Liza for the role na minana niya mula pa sa mga aktres when the big screen was then black and white and technology hadn’t yet caught up.

Nanghihinayang man kami but Liza’s decision would benefit her at the end of the day. Siya ang nakakaalam kung kaya niya o hindi.

Ding, ang bato…ikaw na lang ang lumunok!

Read more...