Ano ang silbi ni Lito Lapid sa Senado? | Bandera

Ano ang silbi ni Lito Lapid sa Senado?

Liza Soriano - April 10, 2019 - 12:15 AM

NAIS makabalik sa Senado ng dating senador at action star na si Lito Lapid aka “Pinuno” sa primetime TV series na “Ang Probinsyano”.

Kung ang pagbabasehan ay ang TV rating ng nasabing TV series at ang mga survey ng Social Weather Station at Pulse Asia, maganda ang standing ni “Leon Guerrero” at hindi imposible na makalusot ito sa darating na halalan.

Ilang taon ding nanilbihan itong si Lapid sa Senado, pero sa hinaba-haba ng panahon ng kanyang pagiging miyembro ng 14th at 15th Congress, wala yatang rumehistro sa taongbayan na mga significant na batas na naisulong at naipasa niya.

Kung ang mga katunggali niya ngayon sa pagkasenador ay panay ang pagbibida sa mga batas na kanilang naipasa at ngayon ay pinakikinabangan ng taongbayan, ano kaya ang ibinabandera nitong si Lapid? Ang kanyang pagiging magaling na “Pinuno” sa TV series, ang kanyang pagsakay sa kabayo habang binabaril ang kanyang daan-daang kalaban?

Hindi matatawaran ang galing ni Lapid sa pagganap ng mga karakter na ibinibigay sa kanya sa pelikula, pero duda tayo na kaya niyang gampanan ang karakter ng isang kapaki-pakinabang na senador.

Ilang taon na siyang naging senador, pero ano bang nagawa niya bukod sa pagbubutas ng bangko at pagtanghod sa mga kasama sa Senado habang nagdedebate at maisulong ang mga batas na pakikinabangan ng mamamayan?

Yung pagiging matapang niya sa mga pelikula ay hindi niya kayang gawin sa Senado at laging natatameme.

Hindi usapin kung hindi kaya ang pagsasalita ng Inggles, kaya hindi siya sumasali sa mga debate’t deliberasyon, ang mahalaga ay maibigay niya ang kanyang posisyon na alam niya ay para sa taongbayan, at handa siyang ipaglaban ito sa kanyang mga kasamahan.

Kaya nga ngayong darating na halalan, maging mautak tayo sa pagboto.
Ayaw natin sa korap, sa mga kandidatong batbat ng kaliwa’t kanang kontrobersya dahil sa isyu ng katapatan, at sana ayawan din natin yung mga taong alam natin ay wala namang maiko-contribute sa pag-usad ng bayan.

Mahirap sabihin na huwag tayong maghahangad sa mga gusto nating pag-unlad para sa ating bayan, sa gusto nating ibigay sa atin ng pamahalaan, kung unang-una ay hindi tayo marunong pumili ng mga taong ihahalal.

Kasalanan natin kung walang magandang maibibigay na mga programa, tulong sa atin ang ating pamahalaan, dahil naghalal tayo ng mga taong hindi naman karapatdapat.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending