Nagkatuwaan ang press na dumalo sa advance birthday celebration ni Bacoor City, Cavite, Mayor na si Lani Mercado last Monday.
Eh, present kasi sa okasyon si Sen. Bong Revilla, Jr. na sobrang naging emosyonal nang magbigay na siya ng mensahe sa kanyang asawa.
Ang tawag ngayon ng senador sa kanyang misis ay hindi na Wonder Woman kundi Super Woman na.
At dahil uso sa mga loveteams ngayon ang pinagsasama ang kanilang mga pangalan kaya naman napagkatuwaan ng mga taong dumalo sa party na bigyan din ng loveteam name sina Bong at Lani.
Feel na feel naman ng mag-asawa ang bagong tawag sa kanila, ang LaBong. Ayaw daw nila ng La-Bo o Bo-La loveteam, huh!
Sa totoo lang, sa 51st birthday ni Mayor Lani eh, natupad ang wish ng kanyang puso dahil sa unang pagkakataon matapos ma-detain ang asawa sa Camp Crame ay ngayon lang sila nagkasamang muli sa labas ng detention center.
Sa April 13 pa ang totoong kaarawan ni Mayor Lani pero dahil nataon ‘yon sa Black Saturday, minabuti nilang magkaroon na ng advance celebration.