IPINASILIP ni Alden Richards ang napakagandang morning view mula sa loob ng kanyang room sa tinutuluyan niyang hotel sa Hong Kong.
Ipinost ng Pambansang Bae ang nasabing photo sa kanyang Instagram Stories na agad pinusuan ng napakarami niyang followers.
Nasa HK si Alden ngayon para sa shooting ng movie nila ni Kathryn Bernardo. At mukhang handang-handa na naman ang Kapuso heartthrob na makipagtagisan ng akting kay Kathryn.
Bago umalis, dumaan muna si Alden sa Padre Pio Shrine sa Eastwood. Pasasalamat niya ‘yon dahil sa malaking break na dumating sa kanya bilang artista.
Ayon sa mga report, tatlong linggo hanggang isang buwan sila sa Hong Kong ni Kathryn kasama ang direktor nilang si Cathy Garcia-Molina at buong production staff ng movie.
Kung aabutan ng Mahal na Araw roon, may naiwan naman siyang episode para sa Eat Bulaga Lenten drama na kinunan pa sa General Santos City.
Ilan sa Eat Bulaga Dabarkads na kasama niya sa nasabing episode ay sina Joey de Leon, Ryan Agoncillo, Wally Bayola, Pia Guanio at Baeby Baste.
Ang title ng episode nila ay “Bulawan”. Sa Martes Santo naman ay ang episode nina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros ang mapapanood sa Holy Week special ng Kapuso noontime show. Ito ay ang “Biyaheng Broken-hearted” na kinunan sa Kalinga, Benguet at La Union.
‘Yung episode naman nina Vic Sotto, Pauleen Luna, Jose Manalo, Jimmy Santos at Ryzza Mae Dizon na kinunan sa Japan ay sa Miyerkoles Santo ipalalabas.
Samantala, kailangan ding bumalik sa bansa ni Alden bago mag-Easter Sunday dahil sa araw na ‘yon ang opening ng global food franchise ng sarili niyang branch.