WALANG masyadong ingay ang kanilang mga hakbang pero gaano katotoong kakabilang-bakod na ang isang magandang aktres na halos sa kanilang istasyon na lumaki at nagdalaga?
Maingay ang mga kuwento mula mismo sa lilipatang network ng aktres, nagpadala na kuno ng paramdam ang kanyang grupo tungkol sa kanyang paglipat, may sama kaya siya ng loob sa network na pinagseserbisyuhan niya?
Kuwento ng isang source, “Walang sama ng loob ang girl sa mga bossing ng network, gusto lang siguro niyang mapaiba naman ang takbo ng career niya.
“Mabait ang batang ‘yun, very nice siya, maraming umaaway sa kanya pero peace-loving ang girl. Hindi siya palaaway, hindi siya mahilig sa gulo, tahimik lang siya,” unang chika ng aming source.
Isang kaibigan daw kasi ang nakausap ng magandang aktres, napagkuwentuhan nila ang takbo ng kani-kanilang career, hanggang sa magsabi na nga ang girl na parang gusto niya namang mabago ang kanyang kapaligiran.
“May sawa factor din siguro ang mga artista sa routine nila. Natural lang naman siguro na dahil napakatagal na niya sa network na pinagtatrabahuhan niya, e, pangarapin din niyang makapagtrabaho naman sa ibang istasyon.
“Wala namang masama, hindi naman siya magsusunog ng tulay, hindi naman krimen ang kumabilang-bakod, kaya kung totoo nga ang kuwento, walang masama!
“Naku, hindi naman siguro siya nagpapapansin lang para mabigyan ng mas malaking break sa network niya. Hindi siya user, sa totoo lang, siya nga ang palaging nagagamit ng kung sinu-sino diyan!
“Gusto lang siguro talaga niyang mapaiba naman ang mga ginagawa niya daily, nakakasawa naman kasi talaga kapag pare-pareho ang ginagawa niya, nakakasawa ang ganu’n.
“Basta, kung mangyari man ang paglipat niya, e, siguradong tatanaw pa rin siya ng utang na loob sa network na nagpalaki ng name niya.
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi na kailangan pa ng clue, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.