Feeling ni Kathryn Bernardo hindi pa nababagay sa kanya ang gumanap na Darna sa pelikula.
Nalungkot ang dalaga nang malaman niyang hindi na gagawin ni Liza Soberano ang nasabing proyekto, nanghihinayang siya sa ginawang preparasyon ng dalaga para gumanap na Darna.
“Nalungkot ako kasi alam ko yung preparations niya, yung workout yung diet niya. Sana makahanap ng right doctor for the finger kasi hindi yun joke. Sa fight scenes pa lang, napakahirap nun,” ani Kathryn sa panayam gn ABS-CBN.
“Maybe hindi ngayon pero hindi ibig sabihin nun hindi na niya pwedeng gawin someday. Kung hindi si Liza ang gagawa, as a fan of Ate Angel (Locsin) I would love to see her in the Darna costume again,” aniya pa.
Sa lahat naman ng nagsasabi na bagay din siyang mag-Darna at pwedeng-pwedeng pumalit kay Liza, “I don’t think it’s for me. Personally, Darna is such an iconic role. Alam mo, dream lahat ng babae siguro na maging si Darna, pero, siguro, it’s not for me.
“May binabagayan siya, and yung nai-imagine ko as Darna is someone who’s a bit older than me, yung woman na talaga,” ani Kathryn.