NAGHAHANAPAN na ngayon ng pera ang isang grupo dahil kapos na sa pondo ang kanilang mga kandidato para sa darating na halalan.
Sinabi ng aking Cricket na bagaman hindi pinag-uusapan nang harapan ang tungkol sa pera, marami na ang nakakahalata na kailangan pang sumama sa ibang kandidato ang isang senatorial candidate para lamang makaikot sa kampanya.
Ang dahilan, halos isang buwan na lang at eleksyon na, ay hindi pa raw umaabot sa kanilang grupo ang ipinagmamalaking pondo ng kanilang kingpin.
Duda tuloy ng ilan ay baka raw nagkabukulan dahil kilala sa ganitong gawain ang isa sa kanilang mga lider na mambabatas rin.
Sinabi ng aking Cricket na ilang beses na silang binukulan ni Sir kahit noong sila ay kilala pa lamang bilang mga tunay na may malasakit sa bayan.
Pero magmula noong nakahawak ng malaking pera ang kanilang mini supremo ay nag-iba na ang paninindigan nito lalo pa nang makapag pagawa siya ng isang malaking bahay kamakailan.
Mula sa segunda manong sasakyan ay isang mamahaling SUV na rin ngayon ang gamit ni Sir at idagdag pa rito ang mga mamahalin niyang motorcycle backup.
Kailangang-kailangan na ng kanilang grupo ng pondo dahil bukod sa isang senatorial aspirant ay gagastusan rin nila ang kanilang dispalinhadong partylist group. Sa totoo lang ay hirap nang gumalaw ang kanilang grupo dahil kapos na ang pera para gastusin sa pagpapatuloy ng kampanya.
Ang titular head ng kanilang grupo na pinagdududahan na dahil sa pag-ipit sa pondo ng kanilang kandidato sa Senado at partylist group ay si Mr. A….as in Anting-Anting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.