Kiray ayaw magparetoke: masaya po ako kung ano ‘ko, tsaka takot ako sa opera | Bandera

Kiray ayaw magparetoke: masaya po ako kung ano ‘ko, tsaka takot ako sa opera

Bandera - April 09, 2019 - 01:05 AM

KIRAY CELIS

WALANG balak magparetoke si Kiray Celis, kuntento na siya sa kanyang mukha at katawan.

Maraming nagsa-suggest sa kanya na i-try ang ilang surgical procedure para ma-enhance ang kanyang features pero laging “no” ang kanyang sagot.

“May mga nagsasabi sa akin magpagawa ako, try lang daw. Pero for me, happy ako. ‘Di ako nawawalan ng trabaho, ‘di ko kailangan magparetoke, masaya ako kung ano ako,” pahayag ng dalaga sa isang panayam.

Isa pa sa dahilan kung bakit ayaw niyang sumailalim sa kahit anong operasyon o plastic surgery ay dahil mababa ang kanyang tolerance sa pain.

“Takot talaga ko, nung first time na confine ako because of my UTI, para akong papataytin sa ER kasi nung kinukuhanan pa lang ako ng dugo, iyak na ako nang iyak kasi sobrang takot talaga, sobrang mababa ang pain tolerance ko talaga,” lahad ng Kapuso comedienne.

At alam n’yo ba na hindi rin vain si Kiray kahit na nga isa siyang artista. Wala siyang hilig sa mga pampaganda.

“Ako ‘yung babaeng not into makeup talaga. ‘Pag may event, mine-makeup-an ako pero ako lang sa sarili ko, hindi ako marunong mag-makeup. Sobrang bobo ko talaga sa makeup, mahilig lang ako manamit, pero ‘di ako mahilig mag-ayos,” aniya.

“Wala akong nilalagay sa skin ko, pinakanaaalala ko nang nilalagay is lotion, parang normal lang naman ‘yun? Wala rin kong nilalagay a body or sa face bago matulog,” dagdag pa ng aktres na very soon ay mapapanood na sa bagong Kapuso series na Love You Two with Gabby Concepcion and Jennylyn Mercado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending