Wish ni Jerald: Sana ma-consider sina Sanya at Jen sa Darna

JENNYLYN MERCADO

SUMALI na rin ang komedyanteng si Jerald Napoles sa “Darna” mania. Ibinandera niya kung sino ang kanyang choice para pumalit kay Liza Soberano sa nasabing project.

Idinaan sa Twitter ni Jerald ang kanyang choices, at ang una sa kanyang list ay ang pangalan ng Kapuso actress na si Sanya Lopez. Kumalat ang isang artwork sa social media kung saan naka-Darna costume ang sister ni Jak Roberto.

“I kinda agree that @sanyalopez is one of the top (if not the top) contenders to be the next Darna,” unang tweet ni Jerald.

Sa kasunod niyang post, binanggit niya ang name ng Kapuso Ultimate Star na si Jennlyn Mercado na perfect din for the iconic role.

“Isa pang Reyna na karapat-dapat maging Darna. Ang exciting! Sana maconsider ang mga Kapuso stars,” ani Jerald.

Pwede rin daw siyang maging Ding, ang character ng batang assistant ni Darna kapag normal siyang tao na kilala bilang Narda, “Kayang kaya ko pong maghawak ng bato. Pero di po ako user.”

Saad pa ng singer-comedian, “Sana magpa audition ng susunod na Darna…Di ba exciting no. It symbolises hope for all Pinays in the world. Walang network network, sikat man o hindi. #BagongDarna should represent all Filipina!”

Eh, hindi nagustuhan ng ilang netizens ang tweet ni Jerald dahil nasa Star Cinema ang rights ng “Darna” kaya hindi puwedeng pumasok ang Kapuso stars sa role at dahil na rin sa network war.

Buwelta ni Jerald sa tumuligsa sa kanya, “I am stating my opinion regarding the casting. I am very much aware of the situation. I work in the industry. I know better.

“This is my twitter. The only place I’m allowed to say my two cents. Why are you even condescending.”

Naku, nabantilawan na ‘yang Darna na ‘yan! Kung ayaw lumipad ni Liza Soberano bilang Darna dahil sa nabali niyang daliri, naku, palanguyin na lang siya bilang Dyesebel dahil wala namang action scenes ang sirena, huh!

Read more...