Kasalang Luis-jessy tuloy na, date na lang ang kulang; Ate Vi excited nang magkaapo

JESSY MENDIOLA, VILMA SANTOS AT LUIS MANZANO

Meron ng wedding plans sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Ibinuking ito ng aktres sa interview sa kanya para sa pelikulang “Stranded” with Arjo Atayde na nasa You Tube channel ng Regal Entertainment.

“Meron po pero it’s just a question of when,” saad ni Jessy. Ready na raw siya anytime na yayain siyang magpakasal ni Luis dahil naniniwala siya na ang binata na ang “the one” for her.

Eh, pasado naman kay Cong. Vilma Santos-Recto si Jessy para sa anak niya. Sa wake nga ng kanyang yumaong ina ay halos gabi-gabi present si Jessy, huh!

“I like her,” sabi ni Cong. Vi sa press na dumalaw sa namayapang ina.

Siyempre, ang isa sa hinihintay ng kongresista ay ang kanyang magiging apo kina Luis at Jessy.

Read more...