Luis vs Alex: Pisikalan, personalan ang okrayan

LUIS MANZANO AT ALEX GONZAGA

TAWANG-TAWA at aliw na aliw ang mga netizens sa panibagong asaran nina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa social media.

“Personalan” at “pisikalan” ang labanan kapag sina Luis at Alex na ang nag-okrayan.

Nagsimula ang palitan ng mensahe ng dalawa nang mag-react si Alex sa pamamagitan ng Twitter tungkol sa pag-atras ni Liza Soberano sa pelikulang “Darna”.

“Nakaka sad ang story about Liza and Darna.. pero di naman sa pag-aano, nananawagan ako sa ABS-CBN management na sana huwag muna ako i-consider to play Darna,” birong post ni Alex.

Hirit pa niya, “Give chance to others tayo… busy kasi ako may kampanya tatay ko so baka di ko magawa.”

Sinagot ito ni Luis at sinabing ang title dapat ng bagong project ni Alex ay “Alex G: Ang Poste ng Meralco Story.”

Hindi naman nagpatalo ang sister ni Toni Gonzaga at talagang niresbakan ang pag-aasar ni Luis sa kanya. Dapat din daw magkaroon ang TV host-comedian ng sariling proyekto.

Sey ni Alex, “This just in. Luis Manzano will also play a new Mars Ravelo character… Captain BABA: Sugpuin ang kasamaan gamit ang baba.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-okrayan sina Luis at Alex sa social media. Naging part na ng kanilang buhay sa social media ang magtuksuhan at maglaitan na ikinatutuwa naman ng kanilang mga followers.

Read more...