Pang-asar sa maangas na male singer: kumanta ng ‘Batibot’

HANGGANG ngayon ay patuloy na kumakalat ang mga kuwento ng kayabangan ng isang male singer. Ngayon lang naglulutangan ang mga ganu’ng istorya dahil napapanahon.

Ang kataasan ng tingin niya nu’n sa kanyang sarili ay biglang bumagsak, siya mismo ang gumawa ng paraan para balikan siya ngayon ng mga dati niyang nakatrabaho, ganti-gantihan lang daw kasi ang buhay.

Kuwento ng aming source, “Nangyari sa rehearsal ang kuwentong ito. Siyempre, malaki ang part ng group na kinabibilangan niya. Ayaw niyang mag-ensayo, alam na raw niya ang gagawin niya, ‘yung dalawang kasama na lang daw niya ang magre-rehearse with the band.

“Kahit anong tawag ang gawin sa kanya ng mga production people, e, talagang nagmamatigas siya! Ayaw niya talagang mag-ensayo, hindi raw siya bobo para hindi malaman ang gagawin niya!

“At sinabi pa niya sa tumawag sa kanya, ‘Do you sleep kapag inaantok ka?’ Nu’ng sumagot ng oo ang tinanong niya, ang maangas niyang sabi, ‘Okay, then go out! Im sleepy, I want to rest!’

“Ganu’n siya kaangas! Sa kanilang grupo, e, siya ang de primerang pinoproblema ng production kapag may show sila dahil reklamador na, e, sobrang yabang pa itong male singer na ito!” unang chika ng aming source.

Kapag maraming tao ay iwas na iwas ang male singer. Ayaw pala niya nang pinagkakaguluhan siya dahil baka raw makakuha pa siya ng sakit mula sa mga yumayakap sa kanya.

“Ganu’n siya kayabang! Isnabero siya sa totoong buhay! Ibang-iba talaga ang ugali niya sa dalawang kasamahan niya na parehong cowboy at marunong magbalik ng utang na loob sa mga taong sumusuporta sa kanila.

“Ngayon siya magyabang! Ngayon siya mag-inarte! Ngayon siya magsabing ayaw niyang pinagkakaguluhan siya dahil baka magkasakit siya!

“Wala nang lalapit sa kanya ngayon! Wala nang magpapa-picture sa tabi niya! Wala na siyang mga supporters dahil sa kasalahulaang ginawa niya sa harap ng mga camera!

“Wala na ring kukuha sa serbisyo niya ngayon dahil mahirap na! Siguradong mababastos lang siya sa entablado, kakantahan siya ng batibot!” inis na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na, wala nang kailangan pang clue!

Read more...