Co-worker mo Chinese, ready ka na?

NAGING mainit na usapin in the past few weeks ang isyu tungkol sa mga Chinese na nagtatrabaho sa call centers at construction industry.

Chinese in call centers are here para sa line gaming. Sila na alam ang Fookien and Mandarin were tapped to cater gambling netizens from mainland China, Taiwan and Hongkong.
Ang isyu ay hindi ang kanilang working permit kundi kung nagbabayad ba sila ng income tax gaya ng pagbabayad ng mga Pinoy na mandato ng batas.
Ang isyu naman ng mga Chinese na construction workers ay work permit at pagbabayad ng buwis.
Kung paano sila nabigyan ng work permit dahil malinaw naman na tinatrabaho nila ang trabaho na kaya ng mga Pilipino at may local skills available, ay isang malaking katanungan na iniimbestigahan na ng Department of Labor and Employment at ng Bureau of Immigration.

Bago pa man dumami ang mga ito, matagal na rin ang mga Chinese nationals sa retail and restaurant industries bilang mga negosyante, vendors, cooks dito sa bansa.

Problema ni Pangulong Digong ang pagpapadeport sa mga Chinese na ito dahil ang magiging isyu ay humanitarian crisis, lalo na kung gawin din ng Chinese government ang pagdeport
sa mga undocu-
mented Pinoy na nasa
kanilang bansa.

Politically loaded na rin ang statement ng Chinese ambassador when he reacted on the issue a few days ago.

Dahil sa stalemate na ito, malamang na madagdagan pa ang mga Chinese na magtrabaho rito dahil na rin sa higher salary, freer environment at hospitable people. Dahil na rin sangkatutak ang inutang natin sa Chinese government and private business, maraming investors pa ang mananatili dito to invest in our vast resources.
So, handa ka na ba to work side by side with Chinese nationals?

Read more...