Alden, Maine, Arjo nagsama-sama para sa Semana Santa: Hashtag dasal pa more!

SA darating na Semana Santa, magsasama-sama sina Alden Richards, Maine Mendoza at Arjo Atayde para sa “A World at Prayer is a World at Peace.”

Kasama ang tatlong kontrobersyal na youngstar sa mga kilalang persona-lidad na makilahok sa nasabing project ni Archbishop Soc Villegas at ni Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda.

Ang “A World at Prayer” ay isang advocacy video na mapapanood sa April 14, 2019, Palm Sunday, sa lahat ng TV station, mga sinehan at iba’t ibang social media platforms.

Pinaaalalahanan nito ang lahat na patuloy magdasal para sa kabutihan at kapayapaan sa buong mundo.

Walang talent fee ang mga artistang nakiisa sa nasabing advocacy video kung saan ibinahagi nila sa publiko kung anu-ano ang kanilang ipinagdarasal.

Ayon kay Maine, nagdarasal na siya pagkagising pa lang sa umaga. Nagpe-pray din siya bago magsimula ang live episode ng Eat Bulaga, lalo na kapag sasalang na siya sa kanyang mga segment.
“Ganoon kasi ako na bago magsimula ang show o bago magsimula yung araw ko.

“Kaya kayo rin dapat, Dabarkads, kahit ano ang gagawin n’yo, hindi lang kung magsisimula ang trabaho o matatapos, kailangan kahit anong gagawin niyo, hindi natin dapat makalimutan na magdasal,” sabi pa ng Dubsmash Queen.

Ito naman ang pahayag ng Pambansang Bae, “I see to it that every morning the first thing I do is pray and, at the end of the day, the last thing I do is pray, be grateful, have the heart to say thank you to the Lord, say sorry for your shortcomings and confess your sins.

“This is the rosary bracelet that I wear every day for the reminder that the Lord is always with me, is always forgi-ving, understanding…His love is endless, limitless, and is forever. So, kung meron mang forever, kay Jesus Christ yun.”

Para naman kay Arjo, “I pray not to ask for something, but I pray for forgiveness every day. We are sinners, every day we say white lies, we go through a week of sin.

“The only thing that I ask is for forgiveness. Prayers are very, very powerful. I believe that everything is destined to happen because God has a plan for you.

“So pray when you feel like praying. Pray when you feel like talking to him. Pray because you want to.”

Ang ilan pang kasama sa “A World at Prayer” ay sina Judy Ann Santos, Maricel Soriano, Sylvia Sanchez, Coco Martin, Vic Sotto, Dennis Trillo, Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Read more...