NAG-INSTAGRAM live si Aiko para sagutin ang hindi niya pinangalanang karibal sa politika ng boyfriend niyang si Jay Khonghun.
Isa-isang sinagot ni Aiko ang paratang sa kanya ng tinawag niyang Madam Vice Governor.
“This is going to be the first and last that I am going to address this issue because it is too much already.
“I honestly don’t understand why my name is being dragged in politics when in fact ay hindi naman ako ang kumakandidato. It is Jay Khonghun and not me. But apparently, a few days ago, ‘yung kalaban niya posted something that is really foul and I think I have the right to explain myself.
“Number one, nag-post ka and sabi mo ako ang Jade (karakter sa seryeng Halik) sa buhay ni Jay Khonghun. Backtrack muna tayo, point by point kasi ang dami mong sinasabi bad against me. Una, sa barangay San Marcelino, you went down and ang sabi mo may skin disease ako.
“Nasaan ang skin disease ko, wala po. Ang sabi mo ay may nakakahawa akong sakit which is my freckles apparently. Siguro hindi ka nag-Google. Ang freckles ay nakukuha po sa sun exposure.
“I used to swim before and my mom mayroon pong halong Espanola kaya po meron akong freckles. Ang freckles po ay hindi nakakahawa, kahit sino pong derma ang tanungin ninyo.
“Bakit mo ginagawa ‘yun? Number one, ayaw mong ako ay lapitan ng mga tao. Ayaw mo na mismong taga-Zambales ay akapin ako at tanggapin ako. Masakit mang tanggapin pero mismong taga-Zambales, mismong ikaw taga-Zambales ka, pero ‘yung pagtanggap sa iyo ay hindi ganoon ka-warm as warm ng pagtanggap sa akin. Truth hurts, right?
“Nag-post ka and sinabi mo na ako ang Jade sa buhay ni Jay Khonghun which is kabit. Sinabi mo ‘ya sa post mo. I have a copy of it.
“Una sa lahat, Madam Vice Governor, I don’t wanna name you kasi I don’t want you to use my name for your gain. Baka sumikat ka lang. I know this is what you’ve been waiting for, for me to answer kasi ‘pag sumagot ako magkakaroon ka ng bearing, papansinin ka ng tao…
“‘Yung sa personal issue na tinatawag mo ako na kabit, hindi po ako kabit. Una sa sa lahat, pumasok ako sa buhay ni Jay Khonghun ay wala na sila. In fact, i-check n’yo po sa Olongapo, naka-file na ang annulment nila.”
Sinabi pa ni Aiko na hindi siya maninira ng pamilya. Ayaw din niyang idinadamay ang kanyang mg anak sa issue.