2 PBB Otso housemate bagong pagnanasahan ng mga beki


MUKHANG ngumingiti na ang suwerte kay Dudu Unay, discoverer ni Liza Soberano.

Umaariba kasi ang ilan niyang alaga at malaki ang potential nitong sumikat.

Una, naging Star Dreamers ang alaga niyang si Mich Wunder na binansagang “Ang German Wunder Boy ng Leyte”. Malakas ang sex appeal ni Mich. What with his perfectly doned-body. Sa kanyang photo, oozing with sex appeal at very Pinoy ang dating niya kaya malayo ang kanyang martarating.

Si Lance Carr naman who is dubbed as “Ang Cap-Teen Ball Cutie ng Davao” is a shoo-in for matinee idol image. Super guwapo any which way we look at him, maganda ang kanyang projection at rehistro sa screen.

Si Kynt Gonzales naman ay lubhang sinuwerte kasi may movie na siya. At take note, bigatin kaagad ang kanyang nakasama. Sina Sharon Cuneta at John Arcilla ang gaganap na Mama at Papa niya sa movie titled “Kuwaresma.”

After discovering Liza ay tiyak na makaka-jackpot na si Dudu. Tatlo lang ‘yan sa mga pambato niyang bagets for stardom. All three are potential stars.

Read more...