Empoy, Piolo, Daniel, Aga sama-sama sa pelikula, kukunan sa Amsterdam


KUNG walang aberyang mangyayari ay ngayong huling linggo ng Abril o unang linggo ng Mayo ang tulak nina Empoy Marquez at Alessandra de Rosi patungong Paris, France.

Doon kukunan ang reunion movie nilang “Walang KaParis” mula sa direksyon ni Ed Lejano produced ng Spring Films.

Obviously, romantic comedy ang “Walang KaParis” pero malayo naman daw ito sa kuwento ng “Kita Kita” na nagbigay kina Empoy at Alessandra ng box-office hit para sa isang indie movie.

Taon ulit ni Empoy ang 2019 dahil bukod sa “Walang KaParis” ay may teleserye rin siyang gagawin
At higit sa lahat, magiging ka-level na ni Empoy sina Aga Muhlach, Daniel Padilla at Piolo Pascual pagdating sa paguwapuhan dahil magkakasama sila sa pelikulang “Post Angst” na kukunan naman sa Amsterdam mula pa rin sa Spring Films.

Ang saya nga ng komedyanteng aktor dahil kasama siya sa nasabing proyekto at naniniwala rin siya na lelebel ang kaguwapuhan niya sa mga nabanggit na Kapamilya leading man.

Sobrang blessed talaga ng aktor, “Kasi mabait siya sa lahat, pamilya, kaibigan at maski hindi kakilala tinutulungan,” sabi ng taga-Cornerstone Entertainment.

At dahil abala ang komedyante wala rin siyang lovelife tulad ni Coco Martin na tila itinali na ang buhay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Read more...