Bianca role model ng kabataan sa Sahaya; Snooky kasumpa-sumpa

BUMUHOS ang suporta at concern ng Kapuso viewers at netizens para kay Bianca Umali sa GMA Telebabad series na Sahaya.

Nagiging inspirasyon siya ngayon ng mga kabataan bilang si Sahaya dahil na rin sa kanyang kabaitan at katatagan. Lalo na nang hindi siya sumuko na ipaglaban ang kanyang karapatan na hiranging class valedictorian sa kanilang paaralan.

Tagos sa puso at nakuha ni Sahaya ang simpatya ng manonood na humanga sa kanyang lakas ng loob, paninindigan at pagsusumikap na magtagumpay sa kabila ng lahat ng humahadlang at bumabatikos sa kanyang pagkatao bilang isang Badjaw.

Laging trending topic ang Sahaya sa social media lalo na ang episode kung saan nagkaroon ng dayaan sa klase nina Sahaya. Sa katunayan, isang netizen pa ang humingi ng tulong sa DepEd para isumbong ang pandaraya ng school para hindi maging valedictorian si Sahaya.

Talagang apektado ang nasabing netizen sa pinagdaraanan ni Sahaya at hindi ito papayag na madaya ang dalaga sa kanyang graduation.

Dahil sa kanyang panawagan, umani na ito ng libu-libong likes at shares sa Facebook.

Bukod dito, pinuri rin ng viewers ang serye dahil sa aral at inspirasyon na ipinamamahagi nito sa mga kabataan. Saludo rin sila sa pagganap ng lahat sa programa.

Sey ni @tonee171, “#SahayaSpeech has never failed to remind me not only the value of recognizing who you are but the unconditional love of family.”

Komento naman ni @lian_pascual, “Sahaya is more than a teleserye! It tackles important current issues.

That’s why malapit sa puso itong show na ito! Ang galing ng mga main at supporting cast members and of course, the writers and to all the people behind this show.”

Ayon kay @andreaprettymeh, “Sahaya truly motivates people to do their best in everything. It tells reality and it is indeed an eye opener to all the people that whatever our status in life we are all the same and we are all equal. Do your best always Sahaya! Nakakaproud si @bianx_umali.”

Sa episode ng serye last Friday, galit na galit ang viewers dahil sa kasamaan ng karakter ni Snooky Serna na si Salida. Pinadukot kasi niya si Sahaya sa mga tulisan para hindi na ito makapag-aral sa kolehiyo.

Walang nagawa ang kanyang lolo at lola maging si Ahmad (Miguel Tanfelix) nang kidnapin ang dalaga sa gitna ng karagatan.

Makaligtas pa kaya si Sahaya sa mga kidnaper? Ano ang gagawin ni Ahmad para iligtas ang babaeng pinakamamahal?

Abangan din kung paano ipaglalaban ni Manisan (Mylene Dizon) ang karapatan ng anak na si Sahaya, at ang pinakahihintay na paghaharap nila ni Salida.

At siyempre, lalabas na rin ang karakter ni Migo Adecer sa serye bilang si Jordan ang makakaagaw ni Ahmad sa puso ni Sahaya.

Patuloy na tutukan ang Sahaya gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia. Ito’y sa direksyon ni Zig Dulay.

Read more...